Si mommy ko wala parin ginagawa... hmm ano kaya ang magiging theme ko? pati un wala pa akong nakikita....
Nag iisip pala si mommy ko kung ano ang mabilis na giveaways ko sa party ko.. syempre gusto ni mommy ko matutuwa ang mga guests ko diba :p
Isip.. isip si mommy....
Hmmmm... prang meron syang naalala.... hihihihi (evil's laugh ni mommy ko)
Agad nyang tinext ang tita lhoelit ko.... (rescuer?)
Ito ang text nya...
"Ano ang theme ng bag mo dyan? ung 2 years ng di pa kinukuha ng nagpagawa?"
Abah okay ang text ni mommy ko ah.. prang may gusto syang gawin doon?
Kaso.. di nag text back ang tita lhoelit ko....
Akala mo tita susuko si mommy ko ?!?!
Message sa FB naman ang ginawa ni mommy ko..
"Ano ang theme ng bag mo dyan?"
Doon nag message si tita... ahhh nakalimutan pala ni mommy.. wala sigurong pambiling load si tita heheeh shhhh.
"Cars at Disney Princess"
"Ilan piraso?"
"Tag 30pcs..."
Iyan ang mga palitan nilang sagot...
"Ahhhh akin nalang ang cars theme...." ang sabi ni mommy na para bang andyan lang sa tabi niya at gusto na nyang kunin para di na makasagot si tita ng hindi puwede hihihi (cutie laugh from me :p)
"tingin mo di na ba un kukunin ng nagpagawa?" ang tanong ni tita na parang nababahala
Isip si mommy.. 2 years na?
"di bale.... pag hinanap papagawa nalang tayo hahahaha (evil's laugh ni mommy)"
Ayan... may giveaways na akong bag.. yepeeeee.. salamat sa naisip ni mommy ko at pinagbigyan ng tita ko hihihihi.. 30pcs bags meron n ako.
Tuloy ba binyag ni rv?
ay oo pala konting araw nlng.. oo tine kaso nag iba ng theme
halakhak nman ang sinagot ni ninang tine ko...
ano ang theme?
Cars nlang .. pasensya na sabi ni mommy ko kay ninang tine ko.
O sige...
Pinakita ni mommy ang cake na nakita nya sa internet...
Iyan tine.. carry ba yan kahit ilang araw nalang? hihihihi pasensya ka na ha... kse super rush
Oo pede naman sabi ni ninang tine... siguro isip ni ninang tine kakayanin ko kse inaanak ko yan ahihihi.. thank you ninang tine.... ito ang cake ko naman.. ang ganda..
madaling araw may na received na text si mommy ko.. buti narinig nya at binuksan nya... message ni ninang tine. pala na pinapaalam lang nya na di gumpaste ang cars.. ayyy okay lang ninang tine.. eto may nilalaruan nga ako ngayon ahihihih....
Opppssss... may additional mini cupcakes pa si ninang tine ko sa akin :)
Thank you ninang tine.. ang saya saya ng mommy ko talaga hihihhi.
Usapan ni mommy ko at tita lhoelit.. magpapaprint kami ng tarpaulin para sa decor ko... ang kaso nag text si dada ko na 2pm palang ay susunduin na nya si tita lhoelit dahil kailangan syang makauwi at bumalik ng olongapo ng 8pm. Ayan di na iprint ni tita ang tarpualin ko... Naku wawa naman ako kung wala akong tarpaulin. ang cute ko pa naman doon hihihihi. Ito ang layout ni mommy ko..nakakita niya sa internet at pinalitan nya ng ulo ko... bumagay naman ang ngiti ko sa layout hindi ba ? :p
Teka 2pm na san magpapaprint si mommy ko ng tarp... tinext nya agad si ninang irine ko :) ask nya kung nasan si ninang irine ko.. kala nya kse eh nasa baguio ito :p
Andito sa olongapo.. sabi ni ninang irine.
Uy favor naman.. pede pasabi sa servant na may i email ako sa kanila.. tapos pede pakuha kukunin ni ona dyan sa gabi. ang sabi ni mommy ko kay ninang irine habang naka cross finger sya hihihi...
ay o cge sabi ni ninang irine o di kaya kunin na ni ona dito kse aalis na kami.
ay patay isip ni mommy di makukuha dahil nasa manila pa ito at sinusundo sila tita.
wahhh panic mode si mommy...
text ni ninang irine... nag mamadali nagmamadali? pede naman kami ang mag dala dyan. hahahahah oo nga pala sabi ni mommy. hindi nakakahiya naman nautusan na nga pag dadalhin pa hahaha... kukunin nalang ni dada sa inyo dyan :p
natataranta si mommy ko... ilang oras nalang kase birthday ko na hihihi
Ito ang aking tarp hihihi. yan si kuya tupe ko...
Friday ng gabi ng gabi nag mumuni muni si mommy ko... walang katulong si tita mag kabit at mag ayos... kse wala si tita sweet ko.. hinigad daw.. este may pantal kaya di sila makakapunta :( si naynay ko naman nabanlian .. ang tagal tagal nilang inantay ang aking binyag pero di pala sila makakapunta....
Naalala ni mommy ko si Mang Dan... yesss.. ang partner ni mommy ko sa mga kung ano anong paraan sa pag desenyo at pag gawa ng mga anik anik...
"Teacher Dan, pede po ba kayo bukas makikipag meet po ako sa inyo ng 8am"
walang text na natanggap si mommy ko...
maya maya.... may textback si Teacher Dan.. "okay sige... saan tayo mag kikita? "
Yeyeeee..... God's will natapat naman na Qualifying Exam naman sa MTG sa Sabado... ang saya ma me-meet ni mommy ko si Teacher Dan.
Nagkita sila ni Teacher Dan... ano ba ang papagawa mong rush? gaano ka rush naman yan?
Bukas ko kailangan, tugon ni mommy
Nyakkk.. sabi ni Teacher Dan.. rush talaga.. hehehehe
Birthday ng anak ko at binyag bukas.. kailangan ko ng ganto... pinakita ni mommy ko ang picture na papagawa nya...
ahhh nagawa ko na yan. tugon naman ni Teacher Dan.. okay hit.... kaso babalik ako at kukunin ko mga gamit ko.... sayang sana sinabi mo para nadala ko na agad sabi ni teacher dan.
sa bahay namin busy sila sa pag gawa ng design sa bday ko... si Teacher Dan gumagawa ng styro cut na cars hihih... ang saya lahat sila busy ako lang ata ang di busy..
Ito ang pinag puyatan ni Teacher dan.. ang ganda diba? :p
Salamat tita, ninong mike, at Teacher Dan.
Ang cute ng aking table centerpiece.. may mukha ko pa hihihih...
Ang handa...
Hmmm ang aking handa.. syempre masarap (daw) Pork Cordon Bleu, Dory in Creamy Leek Mushroom Sauce, Roast Chicken with Orange Carrot Sauce, Pasta Al Pesto, Lumpiang Sariwa at syempre ang Lechon.... wag tatadtarin ang lechon.. un ang kabilin bilinan ni mommy ko sa Crown Royale. Tumawag pa nga ulit si tita jeanne ng Crown Royale tungkol dun... at pinipilit na tadtarin na kse baka daw magahol sila sa oras at di makain sa oras ang lechon.. okay lang po un tugon ni mommy ko... "may iba naman akong inorder para kainin nila.. okay lang mahuling kainin ang lechon.. kakainin parin nila yan hihih.. basta wag nyo tatadtarin ang lechon... pag tinadtad nyo yan para lang akong nag order ng kilokilo. wait nyo ang signal ko na tadtarin ang lechon" Uwian na ng mapag tanto ni mommy ko kung bakit nila pinipilit tadtarin na ang lechon hihihi...
Pagpapasalamat....
Nais ko pong pasalamatan isa isa ang naging dahilan sa aking napaka successful na party :p
masasabi kong successful dahil naging buo at nabuhay ang party ko kahit tatlong araw lang na prepare. Opo tatlong araw na nag simula sa pag aayos.
Ang crew ng Crown Royale... salamat po sa inyo....
Ang mga gwapo at magagandang crew ng Crown Royale "TWO THUMBS UP" po para sa inyo.
Ang tita joy ko.. dahil siya ang nagsabi kay mommy ko na sa Crown Royale nalang kami magpakain. Nabanggit kse ni mommy ko na sa Blue Cafe gaganapin ang binyag/birthday ko. pero nung malaman nila tita joy at mama na venue lang un... sayang naman daw dahil sa 5k pakain na din daw un sa mga bisita. Kung sa bagay kung kaunti lang nga naman ang bisita ko... lugi nga kami kung sa venue lang mapupunta ang 5k.
Si tita lhoelit ko (naka red lacoste) .. ang gumawa ng balloon decor ko, ang ganda daw sabi ng mga bisita ko.. pati sa giveaways ko.. yeyyy salamat tita lhoelit.... at may libre pang balloon twisting? hehehehe
Si ninang tine at ninong marshal para sa cake ko... thank you thank you po... ayan huli kayong nag aayos sa camera hihihi....
Si ninang irine at tito rodel ko.. para sa tarpaulin na ayaw tanggapin ang bayad ni dada ko... at pati sa red envelop na natanggap ko salamat po :) :) :)
Kay ninang lorie at ninong nannie ko.. salamat po sa red envelop at pag punta nyo.. salamat po at nakarating din si ninong nannie....
Si ninang arlene at ninong coach.. salamat po sa pag punta... kala po ni mommy di kayo makakapunta coach eh :) :) :)
at syempre ang INSTANT HOST ng mommy ko.. salamat po tita Elma.. hihihihi.. nabuhay nyo po ang aking party.. super saya po talaga...
at dahil sa instant pa games.. naging prize ni tita elma ang gumball machine.. hehehe c/o tita lhoelit ulit....
pag pasok ng mga batang guest ko.. ito ang bubungad sa kanila.... c/o tita lhoelit ulit....
Ang aking photographer si ninong mike ko heheheh... pero wala syang picture lol
mama, tita joy, tita charri, tito jon, tita christy, ate red, ate dane, ate gave, ate fame (pasensya na mali ang name na nailagay ni mommy ko sa id tag mo)
tita lhoelit, mamuy, kuya tupe, ate leanne, kuya rovic, kuya rovin, ate rovie... thank you sa inyo
Si dada ko na gumastos ng lahat.. hihihi
Ang mga gwapings kong ninong. Ninong Rodel, Ninong Marshal, Ninong Boyet at Ninong Nannie.
Ang aking mga magagandang ninang. Ninang Lorie, Ninang Irene, Ninang Tine at si ninang Arlene.. wala sa picture :p
Siyempre si Father :) hindi matutuloy ang binyag kung walang pari :)
Sabi nila matalino daw akong bata.. dahil lahat napapansin ko.. ultimong damit na suot ni father parang kakaiba sa isip ko.. gusto ko nito :p
Apat po kaming magkakapatid.. ako ang bunso.. sa aming apat... dito lang na harass si mommy ng bonggang bongga. heheheh
gabi na ng malaman nyang.. wala akong WHITE na damit... paano ako tatanggapin ng pari kung wala akong puting damit.. sabi all white daw...
parang binabangungot ang mammi ko.. tamang tama ka text nya si ninang irine ko...
"irine baka may puti kang polo and short dyan kahit ano... ngayon ko lang napag tanto na wala palang susuuting damit ang anak ko sa simabahan... hahahaha"
sabi ni ninang irine.. ayyyy first time mo? hahahahha...
"ewan ko wala sa utak ko.. ang bilis kase ng lahat hahahahha..."
mommy naman..isang taon na nga ako nabinyagan di mo pa napag handaan? hehehe...
kenkoy ka talaga sabi ni ninang irine ko kay mommy ko.
text text text... naghagilap ng damit hihihihi....
ayun... buti nalang kakabinyag lang din ni xam.. baby ni tita mae ko... hehehehe salamat tita mae.. salamat xam nagkaroon ako ng instant damit... yayyyyy ...
ako lang ata ang batang... nabinyagan ng walang... humarap na SPONSOR sa seminar, walang baptismal certificate.. at walang kandila sa binyag. hahahhaa... ayy buti natuloy pala ang binyag ko :p mukhang hindi naman kaawa awa diba... hihih tawa ng tawa ang mga taga simbahan.. kawawa naman daw ako at kahit isang ninang at ninong ay walang dumalo sa seminar.. eh paano ang layo naman po nila. at buti nalang nakalusot si mammi ko sa baptismal certificate asan daw.. ayyy nasa manila pa po.. hihihi kakalipat lang po kse namin dito.. pede po bang to follow nalang? sige OKAY lang wag na.. sabi ng babae dun.. hihihi... ang bait di po ba?!?!
pagkatapos ng party.. dumeretso sila ninang at ninong ko sa bahay namin... kwento-kwentuhan..
ang saya ng aking binyag at birthday kaso di nakadalo si nay nay, lolo, lola intsik, tito bryan at tita sweet.. sila tita mae at tito, xam, kuya skye, kuya jai sayang.
wala pa ang ibang pictures... ipopost ko pag naayos na ni mommy ko ang layout.
salamat po ulit sa lahat..
Nga pala.. dito sa party na ito napabilib ni tita si dada ng husto.. hahah paano kahit gahol sa oras... napaganda parin nila tita ang party ko LOL.
Kudos www.business-shoppe.com, www.tinyshoppe.com LOL
No comments:
Post a Comment